Inilaan ko ang unang blog upang buwagin ang mga maling paniniwala ukol sa aming kurso.
Ano nga ba ang AB Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media (AB-PHM)?
Totoo ba na ito ang Tagalog version ng Communication Arts ng DLSU?
Anong pinag-aaralan doon? History? Pagkain? Kultura?
Puro Tagalog lang ang sinasalita ninyo no?
I. Introduksyon
Ang kursong AB-PHM ay inilikha 8 taon na ang nakararaan kasabay ng organisasyong DANUM (Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino).
Nag-sarbey ang Departamento ng Filipino ng DLSU sa mga TV Channels sa Pilipinas upang malaman kung ano bang klase ng kurso ang kinakailangan sa pamantasan. Ayon sa sarbey, akmang-akma ang kursong AB-PHM sa pangangailangan ng Media ngayon. Karamihan ng mga nasa industriya ng showbiz ay mga Communications Major; mga marunong humawak ng camera, mga marunong mag-edit ng videos at lahat ng aspektong teknikal. Ngunit sa dami ng Communications Major, kinakailangan din nila ng mga manunulat, mga direktor, producer na minsan ay hindi mapunan sa kadahilanang hindi pagsusulat ang pokus ng mga Comm majors.
Dito pumapasok ang kursong PHM na tinaguriang "utak ng midya." Naka-pokus ang kursong ito sa pagsusulat, sa pag-research, pagdiskurso atbp. Ito ang, kumbaga, "behind the behind the scenes." Dito, nagsisimula ang proseso ng paggawa ng isang pelikula, TV show at kung ano pa man. Kaya nga "utak ng midya" ang mga PHM
II. Lenggwahe
Laging pakatatandaan na iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Tagalog ay isa lamang diyalekto na pinagkunan ng lenggwaheng Filipino. Ang Filipino naman ay ang isinasalita nating lenggwahe sa pang-araw-araw.
Hindi lahat ng kumukuha ng kursong AB-PHM ay mga bihasa at marunong sa wikang Filipino. Mayroong mga iba na, bagaman mag-iisang taon na sa kurso, ay hirap pa rin na magsalita sa Filipino, ngunit, unti-unti silang natututo.
III Kasaysayan at Kultura
Tulad ng nabanggit sa introduksyon, kami ay mga Mass Media majors na naka-pokus sa pag-aaral ng pagsusulat, pag-reasearch at iba pa. Ngunit mayroon kaming mga klase na tumatalakay sa iba't ibang aspekto ng Pilipinas. Ang FILHEKU na asignatura ay tumatalakay sa Heograpiya at Kultura, ang FILDIAS ay tumatalakay sa Diaspora. Hindi kami nakapokus sa mga bagay na ito ngunit pinag-aaralan namin ito.
Ito ang katotohanan sa likod ng AB-PHM sa aking pananaw. Hindi ito ang kabuoan ng kung ano ang PHM dahil mayroong mas higit na nakaaalam ng tunkol sa kursong ito bukod sa akin. Isa lamang itong blog upang maibuwag ang ilan sa maling pananaw ukol sa aming kurso.
Sana'y nag-enjoy kayo sa pagbabasa :)