Friday, May 11, 2012

Maligayang Pagdating sa Lasalle!

(c) Leslie Anne Liwanag

Kamakailan lamang ay nagsimula na ang FROSH WELCOMING sa Pamantasang De La Salle. Ito ay isang aktibidad kung saan ipinapakilala ang La Salle sa mga FROSHIES (freshmen). Binubuo ito ng 2 araw ng getting-to-know-you, pagtanghal ng iba't ibang mga organisasyon at pag-tour sa buong La Salle.

Bilang officer sa organisasyon namin na DANUM, ako ay naatasan na mag-RTR sa block ng mga PHM majors. Talagang prinactice ko ng todo ang aking speech ngunit pagdating sa harap ng tao ay nanginig ang aking paa. Tuloy pa rin ang aking pagsasalita at pagpapakilala sa DANUM at nawala na lamang ang nginig nang matapos na ang aking speech.

Sa ikalawang araw naman ay nagkakaroon ng booth tour. Ang lahat ng organisasyon sa DLSU ay gumagawa ng kani-kanilang mga booth upang ipakita kung ano ang kanilang organisasyon. Ang mga froshies ay palalakarin upang madaanan ang lahat ng organisasyon at upang mabigyan din ng mga freebies tulad ng bookmarks, candy, flyer, ballpen at kung anu-ano pa.

Dito pumapasok ang larawang nasa itaas. Ito ang booth ng DANUM na may temang "First Day High" na isang pelikulang pilipino.

Nakaka-dalawang araw na kaming nagbo-boothman at ang masasabi ko lang ay napakasaya ng karanasan na ito. 3 araw pa ang natitira.. Let's make the most out of it! :D














No comments:

Post a Comment